Seclusion Perpetua! (Lost in Translation)
Below is an indirect translation of a previously posted prose or proverbial
rambling of mine, so if it sounds vaguely familiar; that's the reason why.
---------------------------------------------------------
UNTITLED
Sa iyong paglakad sa pagdikta ng kapalaran,
Noon pa ma’y alam mo nang walang patutunguhan.
Dati’y nasa pahina ng tadhana,
Ngayo’y bahagi ng kinalimutang kasaysayan,
Buhay walang saysay, walang makaagapay.
Tanging ihip ng hangin ang iyong kasama,
Na siyang pumupukaw sa uhaw ng iyong pag-iisa.
Patak ng luha’y ‘di humuhumpay,
Pagka’t alam mong lahat ay wala na,
At ‘di na makasama.
Kinulong ang sarili, pintua’y sinara!
Pawang lungkot ang nadarama sa bawat paglubog ng araw.
Nanginginig ‘di sa ginaw
Ngunit dahil sa takot ng pag-iisa.
Na ang tanging kaagapay ay itong musika;
At larawan ng nag-iisang sinta.
Parang baliw na kinakausap ang sarili.
Nakapiit sa apat na sulok ng silid.
Dito binubuhos lahat ng hinanakit.
Ngunit ‘di pa rin mabawasan ang nadaramang sakit.
Ang tanging lunas marahil ay manatiling galit…!
Walang katapusang paglalakbay,
Natanto mong ‘di muling makakabalik.
Tanging sarili ang kaakay at ang mundong nilikha.
‘Di na muling marinig ang sariling mag-isip
At tanging nakikita’y ang paglaho ng kamalayan,
Nag-aabang dumating napipintong... kamatayan!